Pilipinas
Mula nang manungkulan noong Hunyo 30, 2016, isinulong ng Pangulo ng Pilipinas Rodrigo Duterte ang “giyera kontra droga” na nagresulta sa pagkamatay ng higit sa 7,000 hinihinalang nagbebenta at gumagamit ng droga pagdating ng Enero 2017. Iniugnay ng gobyerno ang halos kalahati ng dami ng namatay sa Philippine National Police at ang natira sa mga “di-kilalang lalaking de-baril.” Sa mga kasong naimbestigahan ng media at rights group, nadiskubreng puro ilegal ang mga pagpatay ng pulisya o mga ahente nito, at kumikilos sila na parang “death squads.” Hayag ang suporta ni Duterte sa kampanya kontra droga at sinikap na patahimikin ang kaniyang mga kritiko, tulad ni Senador Leila de Lima. Wala pang seryosong imbestigasyon ang naisasagawa kaugnay ng mga pagpatay.
- Education
- Asia
- Terrorism / Counterterrorism