Malaman nang mabilis ang mga istatistika at video na hinahanap mo, kasama na ang mga alituntunin para sa pag-credit at pag-broadcast sa mga ito.
Kinokontrol ng mga may-ari ng channel sa YouTube ang mga karapatan sa content na ipinapakita sa site. Hinihikayat ka namin na direktang makipag-ugnayan sa kanila kung makakita ka ng video na gusto mong ipakita at/o i-reference. Kapag nagpapakita ng video sa YouTube sa isang broadcast o webcast, pakibigay ang parehong in-screen at verbal na attribution sa pamamagitan ng pagpapakita sa username o totoong pangalan ng naaangkop na may-ari ng content.
Kapag na-click ang isang username sa YouTube, madadala ka sa pangunahing page ng channel ng user. Mula roon, magagamit mo ang on-site na sistema sa pagpapadala ng mensahe ng YouTube upang makipag-ugnayan sa may-ari ng channel hangga't naka-log in ka sa iyong sariling Google account. Mag-click lang sa tab na “Tungkol sa,” pagkatapos ay piliin ang “Magpadala ng Mensahe” at punan ang electronic na form.
Para sa anumang karagdagang tanong mula sa press, makipag-ugnayan sa press@google.com