Mga Patakaran at Kaligtasan

Kapag ginagamit mo ang YouTube, sumasali ka sa komunidad ng mga tao mula sa lahat ng panig ng mundo. Ang bawat astig at bagong feature ng komunidad sa YouTube ay may kasamang partikular na antas ng pagtitiwala. Milyun-milyong user ang gumagalang sa pagtitiwalang iyon at nagtitiwala kami sa iyo na magiging responsable ka rin. Ang pagsunod sa mga alituntunin sa ibaba ay makakatulong na mapanatiling masaya ang YouTube para sa lahat.

Maaaring hindi mo magustuhan ang lahat ng nakikita mo sa YouTube. Kung sa palagay mo ay hindi naaangkop ang content, gamitin ang feature na pag-flag upang isumite ito para sa pagsusuri ng aming kawani ng YouTube. Maingat na sinusuri ng aming kawani ang na-flag na content 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo upang matukoy kung may paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad.

Narito ang ilang madaling maunawaang panuntunang makakatulong sa iyong umiwas sa problema. Seryosohin ang mga panuntunang ito at isapuso ang mga ito. Huwag subukang maghanap ng mga butas o subukang lusutan ang mga alituntunin—unawain lang ang mga ito at subukang igalang ang diwa kung bakit ginawa ang mga ito.

Kahubaran o sekswal na content

Hindi para sa pornograpiya o tahasang sekswal na content ang YouTube. Kung ito ang naglalarawan sa iyong video, kahit pa video ito ng sarili mo, huwag itong i-post sa YouTube. Gayundin, malaman na nakikipag-ugnayan kami sa tagapagpatupad ng batas at inuulat namin ang pang-aabuso sa kabataan. Matuto pa

Mapaminsalala o mapanganib na content

Huwag mag-post ng mga video na nanghihikayat sa iba na gawin ang mga bagay na maaaring maging dahilan na sila ay lubhang masaktan, lalo na sa mga bata. Ang mga video na nagpapakita ng mga nasabing mapaminsala o mapanganib na pagkilos ay maaaring paghigpitan ayon sa edad o alisin depende sa kalubhaan ng mga ito. Matuto pa

May poot na content

Ang aming mga produkto ay mga platform para sa malayang pagpapahayag. Ngunit hindi namin sinusuportahan ang content na nagsusulong o pinalalampas ang karahasan laban sa mga indibidwal o pangkat batay sa lahi o etnikong pinagmulan, relihiyon, kapansanan, kasarian, edad, nasyonalidad, status sa pagiging beterano, o sekswal na oryentasyon/pagkakakilanlan ng kasarian, o na ang pangunahing layunin ay ang pag-uudyok ng poot batay sa mga pangunahing katangiang ito. Maaari itong maging maselang pagbabalanse, ngunit kung ang pangunahing layunin ay atakihin ang isang protektadong pangkat, hindi na katanggap-tanggap ang content. Matuto pa

Marahas o graphic na content

Hindi okay na mag-post ng marahas o madugong content na talagang sinadyang maging kasindak-sindak, agaw-pansin, o walang galang. Kung magpo-post ng graphic na content sa konteksto ng balita o dokumentaryo, pakitandaan na magbigay ng sapat na impormasyon upang matulungan ang mga taong maunawaan kung ano ang nangyayari sa video. Huwag hikayatin ang ibang tao na magsagawa ng mga partikular na karahasan. Matuto pa

Panggigipit at cyberbullying

Hndi ok na mag-post ng mga mapang-abusong video at komento sa YouTube. Kung sumobra na ang panggigipit at naging isa na itong nakakapinsalang pag-atake, maaari itong iulat at maaaring alisin. Sa ibang kaso, maaaring maging bahagyang nakakainis o masama ang ugali ng mga user at dapat balewalain. Matuto pa

Spam, mapanlinlang na metadata, at mga scam

Ayaw ng lahat sa spam. Huwag gumawa ng mga mapanlinlang na paglalarawan, tag, pamagat, o thumbnail upang dumami ang mga view. Hindi okay na mag-post ng maraming hindi naka-target, hindi gusto, o paulit-ulit na content, kasama na ang mga komento at pribadong mensahe. Matuto pa

Mga Banta

Ang mga bagay tulad ng mapang-aping ugali, pag-stalk, mga banta, panggigipit, pananakot, panghihimasok sa privacy, pagsisiwalat ng personal na impormasyon ng ibang tao, at panghihimok ng ibang tao na gumawa ng mararahas na pagkilos o labagin ang Mga Tuntunin ng Paggamit ay lubos na sineseryoso. Ang sinumang mahuhuling ginagawa ang mga bagay na ito ay maaaring permanenteng i-ban sa paggamit ng YouTube. Matuto pa

Copyright

Igalang ang copyright. Mag-upload lang ng mga video na ginawa mo o pinahintulutan kang gamitin. Nangangahulugan itong huwag mag-upload ng mga video na hindi mo ginawa, o gumamit ng content sa iyong mga video kung saan ang copyright ay pagmamay-ari na ng iba, gaya ng mga track ng musika, snippet ng mga programang may copyright, o mga video na ginawa ng ibang user, nang walang kaukulang mga pahintulot. Bisitahin ang aming Copyright Center para sa higit pang impormasyon. Matuto pa

Privacy

Kung may nag-post ng iyong personal na impormasyon o nag-upload ng video mo nang wala ang iyong pahintulot, maaari mong hilingin ang pag-aalis ng content batay sa aming Mga Alituntunin sa Privacy. Matuto pa

Pagpapanggap

Ang mga account na ginawa upang magpanggap bilang ibang channel o indibidwal ay maaaring alisin sa ilalim ng aming patakaran sa pagpapanggap. Matuto pa

Paglalagay ng bata sa panganib

Matutunan kung ano ang gagawin kung nakakita ka ng hindi naaangkop na content. Gayundin, malaman na nakikipag-ugnayan kami sa tagapagpatupad ng batas at inuulat namin ang pang-aabuso sa kabataan Matuto pa

Mga karagdagang patakaran

Mga karagdagang patakaran sa iba't ibang paksa. Matuto pa

Mahalaga sa amin ang iyong kaligtasan. Matuto pa tungkol sa mga tool at mapagkukunan ng YouTube, at makakuha ng mga tip tungkol sa maraming paksa sa ibaba.

Kaligtasang pang-teen

Ang mga ito ang ilang kapaki-pakinabang na tool at friendly na tip upang manatiling ligtas sa YouTube. Matuto pa

Restricted mode

Pigilan ang maaaring hindi kanais-nais na content na maaaring hindi mo at ng iyong pamilya gustong makita. Matuto pa

Pagpapatiwakal at pananakit sa sarili

Hindi ka nag-iisa. Kailangan mo ba ng suporta? Para sa libre at kumpidensyal na 24/7 na suporta sa US, tumawag sa National Suicide Prevention Lifeline: 1-800-273-8255. Matuto pa

Mga mapagkukunan ng kaalaman ng tagapagturo

Ang mga ito ang ilang mapagkukunan ng kaalaman na tutulong na magbigay-kakayahan sa iyo at sa iyong mga estudyante na manatiling ligtas online. Matuto pa

Mga mapagkukunan ng magulang

Mga tool at mapagkukunan na tutulong sa iyo na pamahalaan ang karanasan ng iyong pamilya sa YouTube. Matuto pa

Mga karagdagang mapagkukunan

Higit pang kapaki-pakinabang na impormasyon at mapagkukunan para sa mga user ng YouTube. Matuto pa

Mga setting ng privacy at kaligtasan

Mabilis na access sa mga setting ng privacy at kaligtasan. Matuto pa

Mga legal na patakaran

Impormasyon sa aming mga patakaran sa legal na pag-alis at sa proseso para sa pagsusumite ng mga reklamo. Matuto pa

Matuto tungkol sa pag-uulat ng content sa YouTube at kung paano namin ipinapatupad ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad.

Mag-ulat ng video

Kailan, bakit, at paano mag-flag ng content. Matuto pa

Mag-ulat ng mapang-abusong user

Direktang maghain ng ulat dito. Matuto pa

Mag-ulat ng legal na reklamo

Direktang maghain ng ulat dito. Matuto pa

Mag-ulat ng paglabag sa privacy

Ipaalam sa amin kung lumalabag sa iyong privacy o kaligtasan ang mga video o komento sa site. Matuto pa

Iba pang opsyon sa pag-uulat

Kapag hindi tumpak na na-capture ng pag-flag ng video ang iyong isyu. Matuto pa

Mga Paghihigpit sa Edad

Kung minsan, hindi nilalabag ng video ang aming mga alituntunin, ngunit maaaring hindi naaangkop para sa lahat kaya maaari itong paghigpitan ayon sa edad. Matuto pa

Mga strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad

Ano ang mga ito at paano namin pinangangasiwaan ang mga ito. Matuto pa

Mga pagwawakas ng account

Ang mga seryoso o paulit-ulit na paglabag at ang mga paglabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad ay maaaring humantong sa pagwawakas ng account. Matuto pa

Pag-apela sa mga strike sa video

Ano ang gagawin kung makatanggap ka ng strike. Matuto pa